36 Replies to “Wedding Song (Davey Langit Original)”

  1. Ito ang araw na inantay mo ng kaytagal
    Buhat ng ikaw ay natutung magmahal
    Masaktan at nabigo, lumuha at natuto
    Ang pag-ibig nga pala'y hindi isang laro
    Sa milyong milyon na tao dito sa mundo
    Ay may nag-iisang nakalaan para sayo
    Siya rin ang dahilan bat mga dating sininta
    Ay hindi ipinagkaloob sayo ng tadhana
    Saksi ngayon ating mga pamilya't kaibigan
    Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan
    Dahan dahan kang naglalakad patungo sa akin
    Sa saliw nitong tugtugin.

    Tan tananan
    Tan tananan
    Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan
    Tan tananan
    Tan tananan
    Aking makakasama sa magpakailanman
    Ang pag-ibig na hinanap ko ng kaytagal

    Nahanap din kita, bigay sakin ng Diyos na lumikha

    Di mailalarawan ng kahit anong salita
    Wala ng sinoman ang papantay sayong ganda
    Napapailing na lang bat mo ako nagustuhan
    Piniling makasama oh ang swerte ko naman
    Kaya pangako ko mula sa araw na ito
    Sa bawat pag-idlip at sa bawat gising mo
    Ay sisikapin kong kailanmay di magwawakas
    Ang ngitit ligaya ng iyong mga bukas
    Saksi ngayon ating mga pamilya't kaibigan
    Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan

    Dahan dahan kang naglalakad patungo sa akin
    Sa saliw nitong tugtugin.

    Tan tananan
    Tan tananan
    Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan
    Tan tananan
    Tan tananan
    Aking makakasama sa magpakailanman
    Ang pag-ibig na hinanap ko ng kaytagal
    Nahanap din kita
    Nahanap din kita aahaah….
    Ikaw pala sinta
    Ang bigay sakin ng Diyos na lumikha

  2. Yung nawalan na ako ng hope sa fisrt love ko na naging ex-boyfriend ko na rin na mayron pa kming chance.πŸ’“ Pero ng marinig ko po itong song nyo promise βœ‹ jusko nbuhayan tlaga ulit ako ng loob na magiging kme pa til forever na tps ito yung song sa kasal nmin while im walking sa isle ppunta sa altar ng church. Hahaha.πŸ˜‚ Anyway, super ganda po ng song nyo bawat lyrics tagus sa puso ang tama at maluluha ka na lang tlga habang nkikinig.😍

  3. Kuya Davey ang galing niyo po nainspire niyo po ako. Ang totoo po ngayon ngayon ko lang po kayo nakilala pero yung songs niyo matagal ko nang alam at sobrang nagustuhan ko po lahat unang rinig ko palang. Nalaman ko pong ikaw pala yun kuya nung sinearch ko po yung kanta niyong "Kuya" once ko lang po narinig sa radyo pero nagustuhan ko agad… Tapos nalaman ko pong kayo pala yung kumanta ng mga songs na napapakinggan ko sobrang lss ako. Actually di ko rin po alam yung title ng mga kanta niyo noon pero lagi kong pinapakinggan at sinasabayan… Super galing niyo po kuya. Keep on singing po. Naniniwala po akong isa kayo sa mga pinoy singers na dapat marecognize. As of now nabubuhay ulit ang opm and I'll be happy kung patuloy po kayong magiging part nun kasi sobrang deserve niyo po. I really miss opm songs. Never pong nawala yon pero nakatulog isa po kayo sa mga artist na nagpabalik sa hilig ko sa opm. Lovelots po!

  4. I remember my ex boyfriend sobrang nag sisisi ako bakit ko siya iwan kahit alam Kong sobrang mahal niya ako ngayun hinahanap hanap ko siya sana hindi pa huli ang lahat

    Ito yung song sana sa wedding namin πŸ™ πŸ™

  5. The "Noel Cabangon" kind of OPM.
    Loved this song very much😍. I'll be playing this song in a wedding this January… Keep Composing! You have the TalentπŸ˜ŠπŸ‘

  6. "REPOST"'Till now naiiyak pa din ako sa song na to. Hay sana mahanap ko din yung sa akin Bro Davey. Pero years ko na ding hinahanap ang minus one nito di ko pa din sya makita hehehe.
    Saan po kaya pwede maka kita ng Minus 1 nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *